RockYou FXText - Get Your Own

Sweet Zone

Friday, August 29, 2008

Manhid

Natapos na rin 2nd long exams namin...At eto na naman ako, parang tinurukan ng lidocaine ang buong katawan...hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko...hindi ko alam kung gusto ko bang maging masaya dahil sa wakas nakaraos na rin sa isang madugong linggo o malulungkot kasi pakiramdam ko hindi sapat ang inaral ko...Iniyakan ko na naman ang nanay ko...Sanay na sakin yun, parehas kaming balat-sibuyas eh. Haha... Sabi nya, magtiyaga lang daw ako...Talagang may mga sakripisyong inilalaan sa pagmemedisina. Yung mga paghihirap na pinagdaraanan ay paraan upang sa hinaharap maging isang mabuting doktor ako. At kung hindi ako nakakaranas ng lungkot, hindi ako mapapaalalahanan na kailangan ko ang Diyos. Salamat sa Kanya kasi ginabayan Niya ako sa buong linggo na ito...Hindi man ako makangiti pa ng todo sa ngayon (ayaw pa yatang gumana ng facial nerve ko), sa puso't isip ko masaya na rin ako kasi mamaya Sabado na uli...araw ng pahinga para sa Panginoon...paboritong araw namin sa buong linggo ni Ate Ging. Hehe.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home