RockYou FXText - Get Your Own

Sweet Zone

Tuesday, September 02, 2008

I Miss You

Mga salitang di madalas sabihin ngunit napakasarap pakinggan kapag marinig mo mula sa mga taong nagmamahal. Madalas sabihin kapag may mga taong minsan naging parte o kasalukuyan pa ring bumubuo ng mundo mo ngunit hindi mo madalas nakakasama. Noong nakaraang linggo, 3 tao ang nagsabi sa akin na namimiss nila ako. Yung isa pa, sabay pa kaming nagtext na namimiss namin ang isa’t-isa. Sabi ko nga sa kanya, “Great minds think alike.” Haha… Nakakatuwang isipin na naaalala ka. Kasi kahit sandali lang ang pananatili mo sa maliit na mundo nila, ang mga salitang ito’y nagsisimbulo na malaki ang naging bahagi mo dito.

Minsan naman, may mga pagkakataon na nais mong sabihin ito sa isang tao ngunit di mo magawa. Kasi hindi mo alam kung paano magsisimula…Madami rin kasing maaaring ipahiwatig ang mga salitang ito. Para sa akin, ito ang ilan sa mga halimbawang kahulugan ng ‘I Miss You’:

I miss you… Literal, namimiss ka lang talaga niya sa puntong iyon. Maaaring may nakita siyang bagay o pangyayari na nakakapagpaalala sa kanya sayo.

I miss you… Malungkot ako. / Kailangan ko ng kausap/karamay/katext/kaibigan ngayon.

I miss you… Mas masaya sana ang buhay ko kung andito ka.

I miss you… Mahal kita.

I miss you… Wala lang. Wala siyang masabing iba. Usual expression na ito, kaya yan na lang ginamit.

O diba? Ang saya. Depende na lang sayo kung sasang-ayon ka sa mga binigay kong halimbawa. Maaaring marami ka pang alam na ibang kahulugan ng ‘I Miss You’…Bahala ka na.

Sa lahat ng nakakamiss sa akin, maraming salamat. Miss ko rin kayo…Salamat sa pagiging bahagi at pagbibigay kulay sa buhay ko.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

I miss you sweetie...
... coz mahal kita;
... naaalala kita parati;
... i wish nandito ka and the rest of the tokyo pips!

labshyu din!

--vtok

9:25 AM  
Blogger Sweet said...

aww...vtok...i miss you all sobra...natanggap mo ba text message ko? anyway, hope you are doing okay...take care & God bless you. mwah!

9:21 PM  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home