My Funny MRT Moment
Yesterday, I went to Ortigas and going home I rode the MRT. A speaker in the company I visited mentioned that when you ride the MRT, it's like an exercise. I was able to experience that. I was supposed to go to Cubao so I can ride the LRT 2 going to my review but there were so many people. I said to myself that there's no hope there. I decided to move to the other side of the MRT because there were fewer people going to Edsa/Taft station. So I took all the trains…MRT, LRT 1, and LRT 2. It was quite a ride. :)
HERE WE GO AGAIN.
HERE WE GO AGAIN.
Scenario: I was standing near the door of the LRT. A yard away from me, there was a lady (probably in her late 40's or early 50's) who was talking loudly everybody could hear her.
Ale: Alam mo marami kasi diyan hindi naman bumababa sa Baclaran. Kaya sumisikip eh. Wala namang pasok, bakit kaya ang daming tao?
My thoughts: Talaga po? Ganon pala ginagawa nila. Di ko alam un ah. Haha.
After a minute or two of silence.
Ale: Marami diyan, di naman bumababa sa Baclaran para makaupo pabalik. Minsan tingnan mo. Di ko nga alam. Wala namang pasok at estudyante pero ang daming tao.
My thoughts: Ay, inulit niya lang yung sinabi niya kanina. Syempre po, madaming tao kasi bakasyon so lumalabas sila, diba?
After a minute or two of silence.
Ale: Dun sa North Avenue, talagang binabantayan ng mga guwardiya. Hindi ka pwedeng maiwan dun. Papalabasin ka talaga. Eh diyan sa Baclaran, dulo kasi yan eh. Kaya yung iba, di bababa. Para makaupo. Kaya masikip tuloy.
My thoughts: Hindi ba dulo rin naman po ang North Avenue? Hehe.
After a minute or two of silence.
Ale: Wala namang pasok diba? Walang mga estudyante. Bakit ang daming tao? Subukan mong tingnan paminsan… Yung iba diyan, di bumababa sa Baclaran. Pampasikip lang.
My thoughts: Nakakatuwa siya. Ang daldal niya, parang lola ko. Hehe. Aware kaya siyang paulit-ulit lang sinasabi niya? Parang may Alzheimer's na yata siya. Joke. Haha.
At the Buendia station, a lot of passengers alighted the MRT. The lady was able to sit down. There was a moment of silence. Not a single word came out of her mouth throughout the rest of the ride.
My thoughts: Gusto lang pala niyang makaupo eh. Hehe.
Iba na talaga siguro ang panahon ngayon. Hindi na tulad ng dati. Ang mga bata noon laging nagsasabi ng po at opo, nagmamano sa mga nakakatanda o humahalik sa kanilang mga magulang. Ngayon, baka 'yo, pops!' or 'haler, mother!' na ang maririnig mo. Hindi ko naman nilalahat pero siguro nga mas magalang ang mga kabataan noon.
Noong sembreak, nanggaling kami sa Singapore. Nung sumakay kami sa train, may dalawang batang estudyante na tumayo at pinaupo kami. Hindi naman ako uugod-ugod pero ibinigay pa rin ng mga batang iyon ang kanilang upuan para sa mas nakakatanda sa kanila. Huwaran. Sana ganon din tayo dito sa Pilipinas. Depende na lang din siguro sa pagpapalaki na gagawin ng mga magulang. Kahit na sa modernong panahon na ito, maaari pa rin naman mapanatili ang pagiging magalang. Kahit lumaki ka pa sa kalye, kung alam mo kung ano ang tama, ikaw na mismo ang kusang gagawa ng paraan para maipakita na ang kabataan ngayon ay masasabi pa rin na pag-asa ng ating bayan.







0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home