Sa isip lamang...
Tumingin ako sa langit na puno ng bituin
Animo'y mga matang may sigla sa paningin
Ngunit bakit parang may panlalamig sa simoy ng hangin
Na dumadampi sa aking pisngi
Sadya bang kumikislap ang bituin
O baka nama'y mata ko lang ang pumipikit
Ninanais makita ang gusto lang makita
Pilit dinadama ang init mula sa kaloob-looban
Kahit kasing lamig ng niyebe ang kapaligiran
Nananatili sa mga mata ang mga berdeng puno
At makukulay na bulaklak
Kahit ang totoo'y lagas na at walang buhay
Kailan gigising mula sa panaginip na isang bangungot pala?
Maghihintay pa rin ng sagot sa mga tala
At umaasa na sa pagkislap nito'y
Masusuklian na rin sa wakas ng tunay na nadarama.
-by sim_atam / December 22, 2004 / 11:00 pm







0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home